Patuloy na tinutunton ng Philippine National Police (PNP) ang mga nawawalang sabungero.
Ito ang tiniyak ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos sa pamilya ng mga ito na patuloy na umaapela ng tulong.
Aniya, batid niya ang pag-aalala ng mga pamilya kaya’t puspusan ang kanilang paghahanap sa mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.
Sa ngayon aniya ay may nakuha na silang pahayag mula sa mga testigo at mga ebidensya na maaaring ibahagi sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi pa ni Carlos na handa silang humarap sa Senado para sa gagawing imbestigasyon kaugnay dito. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)