Nangangailangan ng karagdagang pondo ang Philippine National Police (PNP) para sa Body Worn Camera (BWC).
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., malabong makumpleto sa loob ng kanyang termino ang pagbibigay ng mga BWC sa lahat ng Pulis dahil P2B lamang ang ibinibigay ng Kongreso para sa kanilang Capability Enhancement Program.
Pinaprayoridad anya ng PNP ang mga sasakyan at baril dahil nakasaad ito sa doktrinang “Move, Shoot and Investigate”.
Samantala, nabigyan na ng BWC ang mga Police Unit sa pangunahing Lungsod ng Metro Manila at Cebu.
Pansamantala namang ginagamit ng Pulisya ang kanilang sariling cellphone upang kunan ang video ang mga operasyon. —sa panulat ni Jenn Patrolla