Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na karamihan sa mga pulis ang responsable at alam na hindi nila maaaring gamitin ang kanilang mga armas sa personal na problema o kung may personal na kaalitan.
Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Iildebrandi Usana, trained ang mga pulis na gamitin ang kanilang mga baril bilang pang depensa sa panahon ng panganib sa gitna ng kanilang trabaho.
Kaya rin naman aniya pangalagaan ng mga pulis ang kanilang armas kapag sila ay naka-off duty.
Kasabay nito, nanindigan si Usana na pinapayagan pa rin ang pagdadala ng baril ng mga pulis kahit sila ay naka off-duty.