Nanindigan ang pamunuan ng Philippine National Police- Special Action Force o SAF na ang kanilang tropa ang nakapatay sa teroristang si Marwan sa kanilang naging operasyon sa Mamasapano, Maguindano noong Enero 25 ng taong ito.
Ayon kay SAF Director, Police Director Moro Virgilio Lazo, bagamat hindi pa siya parte ng SAF nang mangyari ang insidende sa Mamasapano, naniniwala naman siya sa kwento ng kanyang mga kasamahang kabilang sa operasyon na sila ang Nakapatay kay Marwan.
Ayon naman kay PNP Public Information Office Chief, Police Chief Superintendent Wilben Mayor, dapat maglabas din ng ebidensya ang mga nagsasabing hindi ang mga tauhan ng SAF ang nakapatay kay Marwan. Dapat din anyang dumaan sa legal na proseso ang nasabing alegasyon upang mapatunayan.
Kung matatandaan, ipinagmalaki ni dating SAF Director Getulio Napeñas na tagumapay ang operasyon ng SAF matapos nilang mapatay si Marwan na may patong sa ulo na limang milyong dolyar.
Ikinasawi ng 44 na miyembro ng SAF at ang naturang operasyon matapos makasagupa ng mga pulis ang miyembro ng Moro Islamic Libertation Front at ilang armadong grupo sa Mamasapano.
By: Jonathan Andal