Nanindigan ang Philippine National Police o PNP sa naging pahayag nitong nakapasok na sa Metro Manila ang Maute Terror Group sa kabila ng pagtanggi ng Armed Forces of the Philippines o AFP hinggil dito.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos, nakabatay sa kanilang imbestigasyon ang naturang kumpirmasyon.
Taliwas, aniya, ito sa basehan ng militar na intelligence monitoring.
Aminado si Carlos na magkaiba ang mga paraan ng pulisya at militar sa pagkuha ng impormasyon kaya magkaiba ang naging pahayag nila tungkol sa Maute Group sa Metro Manila.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal