Naniniwala si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na mas mapadadali na ang trabaho ng mga pulis sa Mindanao partikular sa Marawi City ngayong pinalawig na ang martial law hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Dela Rosa, makapagbibigay ito ng dagdag kapangyarihan sa mga pulis na ipatupad ang batas at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.
Idinagdag pa ng opisyal na tanggap ng mga residente ng Mindanao ang batas militar at ang mga naninirahan aniya sa Luzon ang mga tumututol dito.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal
PNP naniniwalang mas mapapadali ang trabaho ng pulis sa ML extension sa Mindanao was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882