Napupulitika na ang Philippine National Police (PNP).
Iginiit ito ni Dante Jimenez, Founding Chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC, matapos baguhin ng PNP ang kanilang inilabas na datos kaugnay sa henious crime rate sa bansa.
Nakiusap si Jimenez sa Pambansang Pulisya na huwag ilayo sa realidad ang kanilang mga inilalabas na datos, lalo na at hindi naman nararamdaman ng mga biktima ang pagbaba ng insidente ng kriminalidad sa bansa.
“Mukhang lumapit ‘yung aming figures sa figures ng PNP, ito ngayon ang nakakalungkot dito, mukhang napupulitika ang PNP natin eh, naglabas sila na mas mababa ngayon, sabi nila mali ‘yung una nilang nilabas at instead sa report kahapon ni Presidente sa PNP day ay 15 percent na ang ibinaba, ang pakiusap ko sa PNP ay maging totoo tayo, kami mga biktima hindi naming nararamdaman ang sinasabi nila na bumaba ang mga henious crime cases.” Giit ni Jimenez.
SAF 44
Samantala, dinaramdam ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding Chairman Dante Jimenez ang nangyaring pagtatanggal sa pangalan ng dalawang miyembro ng Special Action Force na kasama sa Mamasapano operation sa mga pinarangalan kahapon sa anibersaryo ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Jimenez, masyado nang nalulugmok ang pamilya ng mga biktima at tila ibinabaon sa limot ang mga nagawa ng mga ito para sa bayan.
Iginiit ni Jimenez na nawalan din ng saysay ang mga naunang pagkilala sa mga ito bilang mga bayani, matapos mahuli ang international terorrist, gayung ilang ulit naman silang maisasantabi.
“Biktima na binibiktima pa kahapon, they are supposed to receive awards, tumawag sa akin ang mga pamilya, Bakit po ganito, kami’y aping-api na.” Pahayag ni Jimenez.
By Katrina Valle | Sapol ni Jarius Bondoc