Aminado ang Philippine Nationa Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) na mayroong mali sa pagpapatupad ng kontrobersyal na memorandum kung saan inaatasan ang mga pulis na mangalap na impormasyon tungkol sa mga estudyanteng Muslim.
Ayon kay PNP-NCRPO chief Major General Debold Sinas, marunong naman silang tumanggap ng pagkakamali kaya nga binawi na nya ang memorandum.
Subalit nilinaw ni Sinas na hindi matatawag na profiling ang kanilang ginawa kundi simpleng pagkuha lamang ng contact numbers at statistics na gagamitin ng Salaam Police Center bilang bahagi ng pagpapatibay sa peace building at counter violent extremism ng PNP.
Una rito, tinawag na ‘oppression’ at ‘baseless stereotyping’ ng Bangsamoro Autonomous Region government ang hakbang na ito ng PNP-NCRPO.
Una rito, nabunyag rin ang “Oplan Xmen” ng PNP Makati kung saan nangangalap naman ang mga pulis ng impormasyon tungkol sa mga transgender.