Iginagalang ng Philippine National Police o PNP ang pasya ng kanilang mga tauhang ayaw magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang dahilan ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos kaya’t nagsagawa sila ng mga adjustment sa kanilang “No Jabs, No Work” policy.
Ayon kay Carlos, sa halip na patigilin sa trabaho ang mga pulis na hindi bakunado ay ililipat na lang nila ang mga ito ng assignment sa mga low risk task tulad ng administrative works.
Ibig sabihin, hindi titigil sa trabaho ang mga hindi bakunadong pulis, subalit patuloy pa rin aniya nilang hihikayatin ang mga ito na magpabakuna.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala