Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na awtorisado lamang ang mga tauhan nito na magbigay ng security assistance, hindi ang makilahok, sa pagtanggal ng mga illegally posted campaign materials.
Kamakailang lang, kumakalat sa social media ang mga larawan ng mga pulis na tumutulong sa mga team mula sa Commission on Elections (COMELEC) sa pagtanggal sa mga election materials na nakapaskil sa mga dingding at bakod ng mga pribadong tirahan sa Echague, Isabela.
Matatandaang, binatikos ang COMELEC dahil sa kabiguang maipaliwanag nang buo ang mga patakaran nito kung saan eksaktong maaaring idikit ang mga election materials.
Samantala, sinabi ni PNP Spokesman Colonel Jean Fajardo, na iniimbestigahan ng pnp ang insidente sa nasabing lalawigan, at hihilingin na magpaliwanag ang mga immediate superiors ng mga sangkot na opisyal.