Nilinaw ni PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos na walang Medal of Valor ang pambansang pulisya dahil pang-militar lang, aniya, iyon.
Paliwanag ni Carlos, medalya ng kagitingan ang pinakamataas na parangal na iginagawad nila sa mga natatanging pulis.
Kumpara aniya sa Medal of Valor awardees ng militar na may 75,000 Pisong buwanang pensyon, 25,000 Piso lang ang buwanang pension ng medalya ng kagitingan.
Ayon pa kay Carlos, medalya ng kagitingan at hindi medal of valor ang natanggap ng dalawang miyembro ng SAF44.
Kasunod ito ng mga pagkontra ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at medal of valor awardee Ariel Querubin sa plano ng pamahalan na bigyan ng medal of valor ang lahat 42 nasawing SAF.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal