Nilinaw ng Philippine National Police (PNP), na hindi pa “case-solved” ang pagbaril-patay sa broadcaster-columnist na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid.
Ayon kay PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., hindi pa maitatawag na “case solve” ang lapid slay case dahil hindi pa nahahanap ang mastermind sa krimen.
Sinabi ni Azurin na hindi pa nalulutas ang pamamaslang kay ka-Percy kaya malabo pang matapos ang naturang kaso.
Iginiit ni Azurin na nasa 160 ang kabilang sa Persons of Interest ng ahensya kabilang na dito si BuCor Chief Gerald Bantag na kamakailan ay sinuspinde sa kaniyang puwesto matapos ang pagkamatay ng middleman na si Crisanto Villamor Jr., na nag-utos umano sa self-confessed gunman na si joel escorial upang patayin si ka-percy.
Batay sa imbestigasyon, si bantag ay isa rin sa mga binabanatan ni Lapid sa kaniyang programa sa radyo na “Percy Lapid Fire.”
Bukod pa dito, kasama din sa posibleng nasa likod ng krimen ang ilang mga opisyal ng PNP at Militar.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng pagkamatay ni Villamor sa loob ng NBP Hospital habang mas pina-igting narin ng PNP ang pangangalap ng ebidensya hinggil sa mastermind sa pagpatay kay Lapid.