Hindi pa ipinatutupad ang total firecraker ban sa bansa.
Ito ang nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Civil Security Group Dir. MGen. Eden Ugale, kung saan sinabi nito na ni-re-regulate pa lamang ng pulisya ang pagbebenta at paggamit ng firecrackers at pyrotechnics.
Paliwanag pa ni Ugale, ang paggamit ng paputok sa bansa tuwing may selebrasyon ay tradisyon na kaya’t ang desisyon aniya sa pagbabawal nito ay nakadepende sa kinauukulan.
Matatandaang ipinanawagan ng ilang grupo na ipagbawal na ang pagbebenta at paggamit ng paputok sa bansa dahil nagiging sanhi ito ng disgrasya at aksidente. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)