Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila isinisisi sa Office of Civil Defense (OCD) ang pagkamatay ng isang police doctor matapos makalanghap ng concentrated disinfectant sa ultra-quarantine facility.
Ayon kay PNP Spokesman, Police Brigadier General Bernard Banac, nais lamang nila na tumulong ang OCD sa pagtukoy kung saan galing ang kemikal na ginamit sa disinfection.
Ang OCD kasi anya ang nagbibigay ng accreditation sa mga service providers sa mga quarantine facilities na pinangangasiwaan ng PNP.
Ginawa ni Banac ang paglilinaw matapos ipahayag ni PNP Chief, General Archie Francisco Gamboa na iimbestigahan ang OCD at service providers sa pagkamatay ni Police Captain Casey Gutierez.