Walang nakikitang dahilan ang Philippine National Police (PNP) para magbago ng istratehiya kontra krimen ngayong nagsimula na ang ber months.
Ayon sa Hepe ng NCR Police Office na si Police Chief Superintendent Joel Pagdilao, sapat na ang ipinatutupad na Oplan Lambat Sibat ng PNP upang maiwasan at sugpuin ang anumang uri ng krimen ngayong nagsisimula na ang Kapaskuhan.
Ayon kay Pagdilao, sadyang nakadisenyo ang Oplan Lambat Simbat sa anti crime prevention sa lahat ng panahon at kahit anong buwan.
Aniya, napatunayan na nila na epektibo ang nasabing kampanya.
Patunay na raw dyan ang patuloy na pagbaba ng crime rate sa Metro Manila.
Paliwanag pa ni Pagdilao, deliberate at programatic sustainable naman umano ang oplan sibat kaya tiwala silang sapat na ito para labanan ang mga krimen gaya ng murder, homicide, robbery, theft, carnapping, motorcyle napping, at physical injury.
By Rianne Briones