Kinatigan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang pagsasapubliko sa listahan ng pangalan ng mga celebrities na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Albayalde, oras na mapatunayan, magiging makatarungan ito sa mga kabilang sa isinapublikong narco list o mga politikong pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga.
Kung nagawa aniya na ibunyag ang mga pangalan ng nasa narco list, walang dahilan na hindi aniya ito mangyari sa iba.
Giit ni Albayalde, dapat maging patas ang gobyerno hinggil dito.
Samantala, nasa 50 celebrities aniya ang kabilang sa drug watch list ng PNP noong siya ay kasalukuyan pang naninilbihan bilang director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).