Aminado ang Philippine National Police (PNP) na hindi pa sapat ang hawak nilang ebidensya para kasuhan ang mga heneral ng PNP na tinukoy na protektor ng drug syndicates.
Gayunman, ayon kay Senior Supt. Dionardo Carlos, Spokesman ng PNP, validated o napatunayan naman nilang totoo ang inteligence report na di umano’y sangkot sina Chief Supt. Joel Pagdilao, Chief Supt. Edgardo Tinio at Chief Supt. Bernardo Diaz.
Ang impormasyon naman anya ng Pangulong Rodrigo Duterte tungkol kina Retired General Marcelo Garbo at Retired Chief Supt. Vicente Loot ay nagmula sa ibang source sa labas ng PNP.
Sinabi ni Carlos na inaasahan nilang haharap kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa anumang oras ngayon ang tatlong aktibong heneral na pinangalanan ng Pangulo.
Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesman Dionardo Carlos
Kasabay nito ay tiniyak ni Carlos na hindi nakapagpababa sa morale ng mga pulis ang pagkakabunyag sa mga heneral na protektor ng drug syndicates.
Ayon kay Carlos, ilang buwan pa bago nagpalit ng liderato ang bansa ay alam na nilang may papangalanang tatlong heneral na sangkot sa illegal drugs.
Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesman Dionardo Carlos
Police officials
Dumipensa naman ang Philippine National Police sa pasya ng Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa alkalde ang karapatang pumili ng magiging hepe ng pulisya sa kanilang lugar.
Ayon kay Senior Supt. Dionardo Carlos, Spokesman ng PNP, nais lamang ng pamunuan ng PNP na pumili ng mga opisyal na makakatulong sa kampanyang matigil ang krimilinalidad sa susunod na 3 hanggang anim na buwan.
Ganito rin anya ang ginagawa ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa sa mga matataas na posisyon sa PNP na nilagyan niya ng mga bagong opisyal.
Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesman Dionardo Carlos
By Len Aguirre | Ratsada Balita