Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na kanilang paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga school authorities bilang preventive security measures ngayong nalalapit na ang normal na pagbabalik ng klase.
Ito ay kasunod na rin ng nangyaring pamamaril noong linggo sa Ateneo de Manila University kung saan tatlong indibidwal ang nasawi kasama na ang dating Alkalde ng Lamitan, Basilan na si Rosita Furigay kasama ang Security guard at Executive Assistant nito.
Ayon kay PNP officer-in-charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., magpapatuloy ang kanilang pakikipagdayalogo sa mga stakeholder kung saan, kanilang ipiprisinta ang detailed security plans upang hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.
Siniguro naman ng pnp ang pagpapatupad ng safety measures upang hindi makapasok ang mga unauthorized person sa mga paaralan.