Binigyang diin ng Philippine National Police (PNP) na kanilang paiiralin ang “maximum tolerance” sa pagpapatupad ng health protocols.
Ito’y makaraang payagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga limang taong gulang pataas na makalabas sa kanilang mga tahanan.
Nagpaalala naman si PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar sa mga magulang na magdoble ingat sa paglabas kasama ang anak lalo na sa mga pampublikong mga lugar.
Sinabi rin ni Eleazar na marami pa ring mga lugar na mahigpit na ipinababawal ang pagpasok lalo na sa mga establisyimento gaya ng mall.
Paliwanag pa ni Eleazar, hindi dapat makampante ang mga magulang na isama sa labas ang mga anak dahil sa banta ng mga bagong variant ng COVID-19.
Aniya, mananagot ang mga magulang na lalabag sa ipinatupad na panuntunan.