Palalakasin pa ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility sa kanilang nasasakupan upang maprotektahan ang mga lokal at dayuhang turista laban sa mga nagaganap na krimen sa Pilipinas.
Ayon kay PNP Director for Operations, Pol. Maj. Gen. Valeriano de Leon, kaniya nang inatasan ang mga Police Commander kasunod narin ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at PNP officer-in-charge, Pol. Lt. Gen. Vicente Danao, Jr. hinggil sa tourist destination at muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni de Leon, na bukod sa police visibility, plano ding palakasin ng ahensya ang intelligence gathering, upang matukoy ang mga kriminal maging ang mga grupong magiging banta sa pambansang seguridad.