Tuloy pa rin ang laban.
Ito ang tiniyak ni Atty. Nena Santos, isa sa mga private prosecutors sa Maguindanao Massacre case kasunod ng guilty verdict sa walong miyembro ng angkan ng Ampatuan at 25 iba pa sa karumal-dumal na krimen.
Ayon kay Santos, hindi pa siya makapagkomento nang buo dahil hindi niya ito nababasa ang kabuuang desisyon ni Judge Jocelyn Solis-Reyes.
Gayunman, inisyal niyang nakikita ang pangangailangan na kuwestiyonin sa pamamagitan ng paghahain ng certiorari sa Korte Suprema ang pagkakawalang sala sa 55 iba pang akusado sa kaso.
Dagdag ni Santos, patuloy din nilang kakalampagin ang Philippine National Police (PNP) para maaresto ang nasa 80 iba pang suspek sa Maguindanao Massacre na nananatiling nakalalaya.
Pag-aralan yung kaso, yung desisyon kakausapin ko yung ibang private prosecutor na kasama ko and then, partial pa lang ito kasi merong 80 pa na hindi pa nahuhuli so, dapat ito yung sabihin namin sa mga pulis, sa PNP na hulihin na para ma-trial na kasi karamihan sa kanila ito talaga yung actual shooters,” ani Santos. — sa panayam ng Ratsada Balita.