Patuloy ang isinasagawang monitoring ng Philippine National Police (PNP) sa mga uuwi at galing sa mga probinsya.
Ito ay ayon kay PNP Spokesperson Col Jean Fajardo dahil inaasahan na hanggang ngayon ay mangilan-ngilan pa rin sa ating mga kababayan ang hahabol sa undas gayong naging medyo masikip ang sementeryo kahapon dala ng nakisamang lagay ng panahon.
Kaugnay nito, pagtitiyak ng PNP na may reserve force ito para tumugon sa undas at paghagupit ng Bagyong Paeng.
Ayon kay Fajardo, maliban sa higit 40 pulis na naideploy para sa undas mayroong higit kumulang 15,000 reserve force ang pnp sakaling kailangan ng adjustment sa deployment.—ulat mula kay Tina Nolasco (Patrol 11)