Pinabulaanan ng Philippine National Police o PNP na umabot na sa 7,000 ang napapatay sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos, hindi lahat droga ang dahilan ng nasabing 7,000 kaso.
2,600 lamang, aniya, rito ang inamin nilang na namatay sa mga lehitimong operasyon ng mga pulis.
Sinabi ni Carlos na iniimbestigahan pa ang iba pang mahigit na 4,000 kaso ng pagpatay.
Samantala, nakiusap ang PNP na huwag pagsamahin ang bilang ng deaths under investigation at deaths in police operations.
Hamon ng PNP sa Human Rights Watch: Maglabas ng ebidensya at magsampa ng reklamo
Hinamon ng PNP ang Human Rights Watch na maglabas ng ebidensya at magsampa ng reklamo laban sa mga pulis na inakusahan nilang sangkot sa extra judicial killings.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos, handa nilang papanagutin ang kanilang mga tauhan kung mapatutunayang umabuso sila sa kapangyarihan sa kasagsagan ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Inilabas ng nasabing grupo na nakabase sa New York USA ang kanilang ulat kung saan nakasaad na mga pulis ang pumapatay.
Gumagawa din umano ng ebidensya ang mga pulis para palabasing shootout ang pagpatay sa mga drug suspect.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal