Pinag-aaralan na ng PNP na tanggalin ang mga inilatag na checkpoint sa Metro Manila.
Kasunod na rin ito ng mga reklamong nagsisilbi lamang chokepoints ang mga nasabing checkpoints dahil nagiging sanhi ito ng mabigat na daloy ng trapiko.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, magandang hakbang sana ito para sa kanila lalo pa’y mailalagay nila ang mga pulis sa mga lugar kung saan sila mas higit na kinakailangan tulad ng ayuda centers.
Gayunman, sinabi ni Eleazar na mangyayari lamang ang pag alis ng checkpoints kung magagawa na ng mga Pilipinong sumunod sa quarantine at health protocols para hindi kumalat ang COVID-19.
Samantala, muling nag ikot si Eleazar para tingnan ang barangayanihan partikular sa katimugang bahagi ng Metro Manila. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).