Pinagbabaon ng NCRPO ang mga motorista ng maraming pasensya.
Ayon kay NCRPO Acting Dir. Police Chief Supt. Oscar Albayalde, importante ang pagkakaroon ng mahabang pasensya upang hindi masangkot sa away trapiko at matulad sa wanted na si Army Reservist Private Von Tanto na pumatay sa isang nakagitgitang siklista.
Binigyang diin ni Albayalde na kayang resolbahin sa mapayapang paraan ang ano mang alitan at makabubuti din na isaalang – alang ang pamilya.
Nanindigan din si Albayalde na hindi dapat pinapayagan na magkaroon o kaya ay maghawak ng baril, ang mga tao na hindi marunong mag kontrol ng kanilang galit.
By: Katrina Valle