Pinaghahanda na ng PNP ang mga miyembro nito kaugnay sa 2022 national elections.
Ito ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ay upang mapigilan ang anumang tangkang paghahasik ng gulo ng ilang grupo o indibidwal para sirain ang integridad at kredibilidad ng isasagawang halalan.
Kasunod nito ay inatasan ni Eleazar ang lahat ng unit at area commanders para magsagawa ng accounting ng loose firearms gayundin sa mga private armed groups na inaasahan aniyang mabubuhay kapag eleksyon.
Dapat aniyang mapigilan kaagad ang mga iligal na aktibidad ng CPP-NPA dahil tiyak na sasamantalahin ng mga ito ang panahong ito para makapagpalakas ng puwersa dahil sa kinokolektang pera ng mga ito.
Uumpisahan na rin namin ang pakikipag ugnayan sa Armed Forces of the Philippines para naman sa lugar na may matinding presensya ng mga malalaking armadong grupo. Lalo na ang CPP-NPA-NDF na kumikita ng napakalaking halaga sa pamamagitan ng paniningil ng permit to campaign at permit to win fees sa mga kandidato
Si PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, sa panayam ng DWIZ.