Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang Nationwide Alert Level System sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, dapat na maintindihan ng mga pulis ang mga alituntunin upang maging maayos ang pagpapatupad nito.
Sinabi pa ni Eleazar na sa gitna ng pagpapatupad ng Alert level 2 sa metro manila ay mahigpit nilang minomonitor ang mga lansangan dahil sa mataas na posibilidad na muling dumami ang mga tao at muling sumirit ang kaso ng COVID-19.
Bukod pa dito, nakatutok din ang kanilang ahensya sa posibleng pananamantala ng mga kriminal sa gitna ng pagluwag ng alert level system sa National Capital Region. —sa panulat ni Angelica Doctolero