MAS pinaigting pa ng Philippine National Police o PNP ang seguridad sa mga terminal at pantalan bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga tao na uuwi sa mga probinsya ngayong Undas.
Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, inatasan niya ang mga unit commanders na mag-deploy ng sapat na bilang ng mga personnel sa mga transportation hubs para tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero.
Pinapayuhan naman ni Eleazar ang mga mananakay na siguruhing dala nila ang mga kinakailangang dokumento sa kanilang pagbiyahe.
Maliban dito, pinatitiyak din ni Eleazar sa mga awtoridad na nasusunod ang minimum public health standards.