Pinalakas pa ng Philippine National Police o PNP ang kanilang intelligence operations para tuluyang sugpuin ang panggugulo ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA sa mga lalawigan.
Kasunod ito ng pinirmahang proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines o CPP bilang isang terroristang grupo.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, nakahanda ang PNP na sugpuin ang mga banta ng NPA na nagdudulot ng pangamba sa mga komunidad, pribadong negosyo maging sa pamahalaan.
Nagbabala naman si Carlos sa mga nagbibigay ng tulong pinansyal at materyal sa CPP-NPA na posible silang maituring bilang ‘conspirators’ at ‘accomplices’ ng terorismo.
—-