Nanawagan ang nakakulong na si Senadora Leila de Lima sa CHR o Commission on Human Rights na turuan si PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa kung ano ang tamang konsepto ng EJK o Extra-Judicial Killings.
Ito’y makaraang igiiit ni Dela Rosa na hindi akmang tawagin ng media na extra-judicial killings ang serye ng mga patayan sa ilalim ng war on drugs ng Administrasyong Duterte.
Ayon kay De Lima, malinaw na nasa State of Denial pa rin ang mga awtoridad hinggil sa mga nangyayaring kaso ng EJK sa bansa.
Kasunod nito, nanawagan din si De Lima kay Senate Committee on Justice and Human Rights Chair Richard Gordon na itakda na sa kalendaryo ang pagtalakay sa kaniyang inihaing anti-EJK bill.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno