Pinawi ng Philippine National Police ang pangamba ng publiko matapos nitong ipatigil ang tradisyunal na pagseselyo sa baril ng mga pulis tuwing pasko at bagong taon.
Ayon kay PNP Spokesman Police Sr. Supt. Dionardo Carlos, displinado naman ang mga pulis kaya hindi dapat mangamba sa pagtaas ng kaso ng indiscriminate firing.
Sa katunayan aniya, mas maraming sibilyan na irresponsible gun owners na nasasangkot sa indiscriminate firing kumpara sa mga pulis.
Sa kabila nito, tiniyak ni Carlos mananagot sa kanila ang mga pulis na mapatutunayang nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal