Pinuri ng Philippine National Police o PNP ang mga tauhan at opisyal ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
Kasunod ito ng pagdeklara ng pambansang pulisya na naging mapayapa ang coronation day ng Miss Universe Pageant.
Samantala, tiniyak ni PNP Spokesperson Senior Superintendent Dionardo Carlos na magtatrabaho ang NCR Police Office hanggang sa pinakahuling aktibidad na may kinalaman sa Miss Universe Pageant.
Kaugnay nito, nagpaabot ng pagbati ang PNP sa bagong Miss Universe 2016 na si Iris Mittenaere ng bansang France, pati na rin si Miss Philippines Maxine Medina, at lahat ng mga kandidata.
At dahil sa pagtulong sa pulisya para maging matagumpay ang coronation day, pinuri rin ni Carlos ang organizers, mga tauhan, at opisyal ng Department of Tourism o DOT.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal