Plano ng Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng seminar para sa mga manufacturer at dealers ng paputok.
Kasunod ito ng naganap na pagsabog sa pagawaan ng mga paputok sa Sta. Maria, Bulacan noong nakaraang linggo kung saan, 10 ang naitalang sugatan.
Ayon kay PNP spokesperson Pol. Col. Jean Fajardo, magbibigay sila ng refresher at orientation course sa mga manufacturer at dealers ng paputok ngayong buwan, sa pangunguna ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO) para ibahagi ang mga bagong panuntunan sa paggawa at pagbebenta ng paputok sa bansa.
Layunin nitong maiwasan ang anumang insidente at mabawasan ang bilang ng mga naitatalang nasawi dahil sa paputok.
Sa kabila nito, nagpaalala si Fajardo sa mga manufacturer at dealers na patuloy na sundin ang ipinatutupad na RA 7183 o ang Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices.