Posibleng ilabas sa susunod na linggo ang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) pagkatapos ng inagurasyon ni President-Elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa katapusan ng buwan.
Ipinabatid ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na batay sa isang provision ng republic act 6975 ang Chief PNP ay ina-appoint ng presidente ng bansa.
Aniya, pipili ito base sa listahan ng mga kandidato para maging PNP Chief na isusumite ng National Police Commission (NAPOLCOM) at ang mga ranggo ng mga ito ay One-Star General o Brigadier General pataas.
Samantala, ilan sa mga matunog na pangalan na pinagpipilian na magiging susunod na PNP Chief ay sina Deputy Chief For Administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, Area Police Command- Northern Luzon Commander Police Lieutenant General Rodolfo Azurin Jr., Directorate for Operations Director Police Major General Valeriano De Leon.
Ani Fajardo mananatiling nakasuporta ang buong police force ng PNP sa sinuman ang mapiling chief PNP.