Sarado muna ang PNP Press Corps matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang cameraman.
Pinayuhan ni PNP Spokesman Brigadier General Ildebrandi Usana ang mga nagkaroon ng contact sa naturang cameraman na mag-swab test na at mag-isolate hanggat hindi pa natatanggap ang resulta ng COVID-19 testing.
Kailangan din aniyang magpa-swab test ng mga tauhan ng PIO lalo na ‘yung mayroong direktang contact sa PNP Press Corp.