Binigyang diin ng Philippine National Police (PNP) na kanilang prioridad ang human rights sa kanilang pagpapatupad ng Oplan Tokhang.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, may sinusunod na rules of engagement ang mga pulis sa bawat operasyon kasama na nga dito ay ang pagrespeto sa karapatang pantao.
Sinabi ni Albayalde na ang higit 600 mga kaso ng human rights violation laban sa mga pulis ay pagpapatunay na bagama’t may paglabag pa rin ay hindi nila kinukunsinti ang mga ito.
Pinaigting na rin aniya ng pulisya ang ilang pamamaraan upang maiwasang umabuso ang mga pulis tuwing magpapatupad ng anti – illegal drugs operations.