Patuloy ang paalala ng PNP o Philippine National Police sa publiko na maging alerto laban sa mga masasamang loob ngayong pumasok na ang ber months.
Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez kailangang maging vigilant ang taumbayan at maging alerto sa lahat ng panahon lalo na’t papalapit na ang Christmas season.
Maaari aniyang mangyari ang krimen anumang oras at malalabanan ito sa pamamagitan ng pagiging informed o maalam ng publiko laban sa iba’t ibang modus operandi ng mga criminal.
Kabilang sa mga pina-aalerto ng PNP sa publiko ay laban sa salisi gang, laglag barya gang, besfren gang, tutok kalawit gang, ipi/ipit taxi gang, laslas bag/bulsa, estribo gang, dura boys at pitas gang.
By Judith Larino