Nasa 300,000 ang kapasidad ng lugar na inilaan para sa mga nais masaksihan ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa June 30 sa National Museum.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Police Major General Valeriano de Leon, Director for Operations ng Philippine National Police (PNP) na kabilang sa kanilang paghahanda ang paglalagay ng ambulansya at medics para agad na tumugon sakaling magkaroon ng problema.
Nilinaw naman ni de Leon na ang ilang araw na pagsasara ng mga kalsada sa palibot ng National Museum ay bilang paghahanda pa rin sa inagurasyon ng bagong pangulo.