Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang PNP Rank Classification Law.
Ang nasabing batas ay amiyenda sa section 28 ng R.A o Republic Act 6975 o kilala bilang Department of Interior and Local Government Act of 1990.
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na sa ilalim ng bagong batas, babaguhin na ang pangalan ng ranggo ng mga pulis.
Ang dating police Director General ay tatawagin ng Police General; ang Deputy Director General ay magiging Police Lieutenant General; Police Major General naman ang bagong tawag sa Police Director; Police Brigadier General ang Chief Superintendent; Police Coronel sa Senior Superintendent at Police Lieutenant Coronel ang Superintendent.
Ang kasalukuyang Chief Inspector ay tatawaging Police Major; Police Captain naman sa Senior Inspector habang ang Insector ay magiging Police Lieutenant na.
Samantala, ang PO4 ay magiging Police Executive Master Sergeant; SPO3 ay Police Chief Master Sergeant na; SPO2 ay Police Senior Master Sergeant at ang SPO1 ay tatawagin nang Police Master Sergeant.
Ang PO3 ngayon ay magiging Police Staff Sergeant; ang PO2 ay Police Corporal at PO1 naman ay magiging Patrolman/Patrolwoman.
Ikinalugod ng PNP o Philippine National Police ang ganap nang pagsasabatas sa PNP Rank Classification Law.
Layon ng bagong batas na baguhin ang PNP rank classifications at ang pamantayan na pagtawag sa mga law enforcers.
Ayon kay PNP Spokesperson Senior Supt. Bernard Banac, malaki ang magiging kontribusyon nito para mas ganahan ang pulisya na gampanan ang kanilang mga tungkulin.
Binigyang diin din nito na magiging mas malinaw na sa isang police officer ang kaagapay na responsibilidad ng kanilang ranggo sa organisasyon dahil sa naturang pagbabago.
Contributor: Kimberlie Montano