Handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 1.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Supt. Bartolome Tobias, sinasamantala ng mga masasamang loob ang pagdagsa ng mga estudyante at mga magulang ang ganitong panahon.
Dahil dito, maglalagay ang PNP ng police assitance desk sa mga paaralan habang kakabitan naman ng CCTV camera ang criminal prone areas.
Dadagdagan naman ng PNP ang police visibility sa mga eskwelahan at matataong lugar upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang kriminal na mambiktima.
Kaugnay nito, pormal nang sinimulan ng Department of Education (DepEd) ang Oplan Balik Eskwela bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 1.
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, magse-set up ng public assistance stations sa mga paaralan kung saan maaring idulog ang mga concern ng mga magulang at estudyante.
Mananatiling bukas ang naturang mga public assistance station hanggang Hunyo 6.
Inaasahang may 23 milyong mga estudyante sa pampublikong elementarya at high school ang dadagsa sa pagbubukas ng klase.
By Rianne Briones