Sinunog ng mga mag-aaral ng Libetad National High School sa Butuan City ang isang effigy ng kontrobersyal na messaging application na ‘Momo’ challenge.
Ito’y para tanggalin ang takot sa mga kabataan at sa halip ay palakasin ang kanilang loob para labanan ang mga masamang epekto nito.
Pinangunahan ni Police Regional Office 13 o CARAGA Director Police BGen. Gilbert Cruz ang nasabing aktibidad kasunod na rin ng hakbang ng PNP na pangalagaan ang seguridad at kaligtasan ng mga kabataan na parokyano ng internet at social media.
Ini-ulat pa ni Cruz na mayruon silang hinawakang kaso ng sampung taong gulang na bata na nakaranas ng trauma matapos kumasa sa hamon ng Momo app.
Binigyang diin pa ni Cruz, walang dapat ikatakot ang mga kabataan sa nasabing application dahil hindi naman aniya ito totoo kaya’t mas mainam na hindi na lamang ito tangkilikin.