Aminado ang pamunuan ng PNP Region 3 na marami silang mga tauhan sa rehiyon ang sangkot o konektado sa operasyon ng iligal na droga
Ayon kay C/Supt. Aaron Aquino, Regional Director ng PNP Central Luzon, hindi sila makapagkasa basta-basta ng mga operasyon dahil na rin sa ilan nilang kabaro
Mula aniya sa 11,600 na pulis sa rehiyon, 100 sa mga ito ang sangkot sa iligal na gawain
Ito na aniya ang pinaka-malaking bilang ng mga pulis sa buong bansa na napag-alamang may koneksyon sa illegal drug trade
Ngunit, dahil sa may hawak na silang listahan, umaasa si Aquino na wala nang makahahadlang pa sa mga ilulunsad nilang operasyon laban sa mga kabaro nilang sabog sa ipinagbabawal na gamot
By: Jaymark Dagala