Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) Region 7 na hingin ang tulong ng mga tsimosa para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) contact tracing.
Sa report ng the Freeman na nakabase sa Cebu, sinabi ni Pro-7 Director Albert Ignatius Ferro na sa halip na gamitin sa paninira , puwedeng magamit sa contact tracing ang galing ng tsismoso brigade sa pagkuha ng impormasyon.
Ayon kay Ferro, kailangan ng pamahalaan ng tulong ng publiko sa contact tracing upang hindi na kumalat pa ang COVID-19.
Hindi lamang naman anya responsibilidad ng gobyerno ang pagharap sa covid pandemic kundi ng lahat ng Pilipino Boholano man, Ilonggo, Ilocano o Bisaya.