Pinulong na ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang iba’t ibang unit nito upang isailalim sa accounting ang medical personnel sa kanilang hanay.
Ito’y bilang tugon na rin ng PNP sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nasa unipormadong hanay na tumulong sa mga medical frontliner na labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay PNP deputy chief for administration at Admin Support to COVID-19 Operations Task Force commander P/Ltg. Camilo Cascolan, sinimulan na nila ang pagrepaso sa information data ng mga doktor at nurse na pulis.
Pero nilinaw ni Cascolan na hindi nila isasalang bilang mga frontliner ang mga nurse at medic cop na mayruon nankinahaharap na medical conditions tulad ng mga buntis at may iba pang iniindang karamdaman.