Naniniwala ang Philippine National Police o PNP na may itinatago ang mga tauhan ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. kaya’t lumaban sila sa mga pulis.
Kasunod ito ng engkwentro sa pagitan ng Albuera Police at mga umano’y private army ni Espinosa na ikinasawi ng 6 sa mga ito.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos na sinisikap nilang makapagsampa na ng kaso laban sa anak ng alkalde na si Kerwin.
Si Kerwin na hinihinalang drug lord ay sinasabing nakalabas na ng bansa noong pang buwan ng Hunyo, taong kasalukuyan.
Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesman Dionardo Carlos
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita