Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan na ginawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho sa burol ng anak ni political detainee Reina Mae Nasino.
Sinabi ni Cascolan na tumutupad lamang sa kanilang tungkulin ang mga pulis na reresponde depende sa sitwasyon kaya’t walang masama sa naging pagbabantay ng mga ito sa burol ni Baby River.
Una nang binatikos ang mga otoridad na nagbantay kay Nasino sa pagpunta nito sa burol at maging sa libing ng kaniyang anak dahil sa umano’y overkill na puwersa ng mga otoridad.
Bukod sa naka-personal protective equipment, nakaposas din si Nasino nang magtungo sa burol at libing ni Baby River habang napapalibutan ng puwersa ng jail guards at pulis.