Pinayuhan ng Pambansang Pulisya ang publiko na manatili na lamang sa bahay upang maka-iwas na matinding trapik.
Ito’y ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor kasunod ng reklamo ng maraming motorista na naipit sa matinding trapik kaninang umaga.
Ayon kay Mayor, mas makabubuti na lamang aniya ito lalo na sa mga wala namang importanteng pupuntahan upang hindi na makadagdag pa sa mabigat na daloy ng mga sasakyang nararanasan sa malaking bahagi ng Metro Manila.
Ngunit ayon naman sa mga galit na motorista’t pasahero, dapat ay ginawa na lamang isang linggo ang holiday upang hindi na nagtiyaga pang pumasok ang karamihan at naipit sa maitinding trapik.
By Jaymark Dagala