Sinang-ayunan ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ng Malakanyang na ang war on drugs ang pinakamalaking naging tagumpay ng administrasyong Duterte.
Binigyang diin ito ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar sa kaniyang sariling bersyon ng Ulat sa Bayan bilang paghahanda sa huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.
Ayon sa PNP Chief, bagaman marami pang dapat gawin hinggil sa war on drugs, malayo na rin kung tutuusin ang kanilang narating mula nang ilunsad nila ang kampaniya noong 2016.
Batay sa datos, aabot na sa 21,800 mula sa kabuuang mahigit 42k barangay ang napalaya na sa iligal na droga.
Habang mula sa 200,632 kabuuang operasyong ikinasa ng iba’t-ibang law enforcement agencies, halos 300 drug suspek ang naaresto habang nasa mahigit 6k naman ang nasawi.