Idineploy na ng Philipine National Police (PNP) ang mga tauhan ng Special Action Force (SAF) sa ilang mga lugar na itinuturing na hotspots para sa darating na 2022 National Elections.
Kabilang sa idineklara bilang “under comelec control” ay ang mga bayan ang Tubaran at Malaban sa Lanao Del Sur.
Sa ilalim ng naturang classifications, tututukan ng security forces ang posibilidad ng karahasan, presensya ng mga armadong grupo, at ang posibleng girian sa pagitan ng mga political rivalries.
Ayon kay PNP Directorate for Operations Dir. Maj. Gen. Val De Leon, mayroong 114 na mga lugar na ikinukunsidera bilang mga ‘red areas’ na bahagi ng kanilang preventive measures.
Samantala, siniguro naman ng PNP na mahigpit na babantayan ang mga checkpoints na nakalatag sa mga entry at exit points, gayundin ang pagpapataas ng police visibility sa mga areas of concerns.