Ilang mga miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) anng idineploy at inatasang magpatrolya sa Blumentritt Market sa Maynila.
Ito ay upang makatulong sa pagtiyak na nasusunod ang social distancing ng mga namimili at pagpapatupad ng enhanced community quarantine protocols sa nabanggit na palengke.
Sakay naman ang mga SAF members ng isang Armored Multi Puporse Vehicle (AMPV) habang nagbabantay sa Blumentritt Market.
Maliban naman sa mahigpit na social distancing, tinigtignan din ang temperatura ng katawan ng mga bawat mamimili bago papasukin sa palengke.
Habang hindi naman pinapayagang makapasok sa Blumentritt Market ang mga walang quarantine pass, senior citizens, buntis, persons with disabilities at mga walang suot na face masks.